Panukalang magbabawal sa mga estudyante na gumamit ng cellphone sa classrooms, binubuo na ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng panukalang batas para ipagbawal ang paggamit ng cellphones loob ng mga paaralan.

Ito ang isa sa mga paraan na nakikita ni Gatchalian para maibalik ang interes ng mga kabataan sa pagbabasa ng mga libro.

Ayon sa senador, sa ilalim ng binubuo nilang panukala ay ipagbabawal ang paggamit ng mga cellphone sa loob ng mga classroom at tuwing school hours.

Tinitingan na ipatupad ito mula basic education hanggang senior high school.

Paliwanag ni Gatchalian, may mga pag-aaral kasing nagsasabi na ang pagkalulong ng mga kabataan sa cellphone ay nag-iiwas sa kanila sa pagbabasa, nakakabawas sa kanilang study time at social time.

Sinabi rin ng mambabatas, na mas mainam na magkaroon ng batas tungkol dito para may force of law sa pagpapatupad. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us