Naniniwala si Papua New Guinea Foreign Minister Justin Tkatchenko na kailangang obserbahan ang international law at sundin ang rule of law sa West Philippine Sea.
Ito ang iginiit ng nasabing opisyal sa pagbisita nito sa bansa para sa isang bilateral talks kasama ang counterpart nitong si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.
Dagdag pa ni Tkatchenko na hindi nila nakikita bilang isang kaaway ang Tsina at sa halip ay isa sa pinakamalaki nilang economic partner.
Ayon naman kay Manalo, ipinagbigay alam na niya kay Tkatchenko ang sitwasyon sa West Philippine Sea at iisa lang din naman aniya ang kanilang napagkasunduan kung saan ang pagsunod sa international law ay mahalaga.
Ito lang ding pagsunod sa batas ang nakikitang daan ng dalawang opisyal para magkaroon ng payapa at mabungang kooperasyon ang lahat ng mga bansa sa mundo. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Hon. Justin Tkatchenko FB