Plano ng Papua New Guinea na magpatupad ng ‘visa on arrival’ sa mga Pilipinong nais magtungo sa kanilang bansa.
Ayon kay Papua New Guinea Foreign Minister Justin Tkatchenko, nais nilang magkaroon ng memorandum of understanding na magkaroon ng ‘visa on arrival’ scheme sa mga Pinoy at Papua New Guinea nationals.
Dagdag pa ni Tkatchenko, mas magiging mabunga ang kanilang plano dahil ito’y karagdagan sa sektor ng turismo ng dalawang bansa.
Ayon naman kay DFA Secretary Enrique Manalo, welcome ang mungkahi ng Papua New Guinea dahil sa mas magiging mabilis na ang pagpunta sa naturang bansa ng ating mga kababayan na nais magtungo doon gayundin ang mga Papua New Guinea nationals at makakaambag ito sa patuloy na paglago ng turismo sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Avito Dalan