Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – North Manila District Engineering Office ang isasagawa nitong pagsasara ng ilang bahagi ng R. Magsaysay Boulevard para bigyang daan ang kontruksyon ng drainage sa lugar simula ika-5 ng Abril hanggang sa ika-31 ng Agosto, 2024.
Bahagi ng proyekto ang kahabaan ng west bound lane ng nasabing kalsada na sakop ang 214 linear meters mula Pureza St., tatawid pa-eastbound na may haba ng 34.7 linear meters, at eastbound hanggang PNR line sa 274.3 linear meters.
Inaabisuhan ng DPWH ang mga motorista na asahan ang pagbagal ng trapiko sa lugar at kung may-ari ay humanap ng ibang ruta patungo sa mga pupuntahan.
Bahagi ang nasabing proyekto sa layunin ng ahensya na mapabuti ang kaligtasan sa kalsada at mobility sa National Capital Region.| ulat ni EJ Lazaro