Umapela si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglabas ng kautusan o executive order para gawing mandatory ang heat breaks para sa lahat ng manggagawa sa gitna ng matinding init at maalinsangan na panahon.
Punto ni Brosas, baganat mayroon nang labor advisory na inilabas ang DOLE na naglalatag ng guidelines na maaaring gawin para tugunan matinding init sa lugar ng paggawa ay hindi ito sapat.
Hindi kasi aniya nito sakop ang ibang mga manggagawa gaya ng outdoor at informal workers tulad ng nasa sektor ng agrikultura, construction, mga nasa pantalan, delivery riders at iba pa na pawang mas lantad sa initan.
“Labor Advisory 08-23 fails to protect outdoor workers and informal workers, including those in agriculture, docks, construction, delivery riders, and other platform workers. These workers face a higher risk of heat stress and potentially heat strokes…We urge the Marcos Jr. administration to release an executive order mandating heat breaks, along with other necessary safety measures, to protect workers across all sectors,” ani Brosas
Napapanahon din ito ani Brosas dahil sa Abril 28 ay ipagdiriwang ang World Day for Safety and Health at Work at International Workers’ Day naman sa May 1.
Kaya’t hinikayat din nito ang mga employers at lokal na pamahalaan na bigyang prayoridad ang pagpapatupad ng mga polisiya para sa kaligtasan ng mga manggagawa sa gitna ng extreme heat conditions. | ulat ni Kathleen Jean Forbes