Ilang mga bagong proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang ipinangalan sa mga bayani at makasasayang grupo noong World War II.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ito ang hakbang ng Pasig LGU upang makilala sila, lalo na ng mga kabataan.
Ayon kay Sotto, ang Araw ng Kagitingan ay araw ng pakilala sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay noong Fall of Bataan at World War II.
Mahalaga aniya na bilang isang bayan ay kinikilala natin ang ating mga bayani upang tayo ay matuto sa kanilang mga karanasan.
Nakakalungkot din aniya kapag parang nakakalimutan natin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para makarating tayo sa ating kinatatayuan.
Kaya naman aniya ang Pasig LGU ay may effort dito at ipinangalan ang dalawang huling proyekto ng Department of Public Works and Highways sa mga makakasaysayang grupo noong World War II na Hunters R.O.T.C at Bambang Boys.
Ang Hunters R.O.T.C ay grupo ng guerilla na lumaban sa mga mananakop na hapon, at ang Bambang Boys naman ang grupo na kabilang sa Pasig Core Group na naging instrumento sa pagdadala ng mga supply at intel sa mga guerilla.| ulat ni Diane Lear