Inanunsyo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang pagpapatupad ng blended learning sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa buong buwan ng Abril bilang pag-iingat sa mainit na panahon.
Ayon sa alkalde, matapos itong makipagpulong sa Department of Education (DepEd), Schools Division Office, Valenzuela Association of Private Schools, at pamunuan ng nga kolehiyo sa lungsod ay nagdesisyon itong ilipat na lang sa umaga ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan mula k
Kinder hanggang Grade 12.
Simula ngayong araw, April 3, ang mga kasalukuyang pang-umaga ay magiging 5:30-11am ang pasok tuwing Lunes, Martes, at Miyerkules habang modular naman tuwing Huwebes at Biyernes.
Para naman sa mga pang-hapon, maililipat ang F2F classes mula 5:30am-11am tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado habang modular tuwing Martes at Miyerkules.
Paalala lamang din ng LGU, hindi masusunod itong iskedyul bukas, April 4, dahil may isasagawang National Achievement Test.
Samantala, mula 6am-11am naman ang F2F classes para sa mga pribadong paaralan mula Kinder hanggang Grade 12.
Ang mga batang pumapasok naman sa Daycare Centers ay ililipat na sa online classes hanggang katapusan ng Abril.
Sa umaga na rin ang iskedyul mula 7am-11am ng F2F classes sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela at Valenzuela City Technological College na mag-shift din sa online mula 11am.
Pinauubaya naman na ng alkalde sa pamunuan ng private universities/colleges ang desisyon sa magiging desisyon sa klase ng kanilang mga estudyante.
Kaugnay nito, magpapatupad rin ng Oplan Pwestong Presko kung saan magrarasyon ng tubig ang LGU sa 17 public schools na walang access sa water refilling stations. | ulat ni Merry Ann Bastasa