Bigong maaresto ng mga operatiba si Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name leader Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City sa pag-implementa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12 sa lungsod ngayong araw, Abril 3, 2024.
Ito’y para sa kasong child abuse at sexual abuse na isinampa sa nasabing korte.
Sa panayam kay National Bureau of Investigation 11 (NBI 11) Regional Director Atty. Arcelito Albao na pinuntahan ng kanilang mga operatiba ang lahat ng mga properties ni Pastor Quiboloy sa Davao City at maging sa Island Garden City of Samal, pero hindi ito natagpuan.
Kasama nito ang ibang mga law enforcement units gaya ng Davao City Police Office, Police Regional Office 11 at iba pa.
Ayon kay Albao na wala pa silang impormasyon sa kasalukuyan kung nasaan ang kinaroroonan ng nasabing religious leader.
Giit nito na magpapatuloy ang kanilang paghahanap hanggang sa maibalik na nila korte ang nasabing warrant.
Samantala, naaresto naman nito ang tauhan nitong akusado na si Tamayong Punong Barangay Cresente Canada sa kanyang pamamahay nitong Miyerkules, sa kanyang tahanan.
Ani Albao, kasama si Canada na akusado ni Pastor Quiboloy sa kasong child abuse.
Samantala, sumuko naman sa opisina ng NBI 11 ang dalawa pang kasamang akusado ng religious leader sa parehas na child abuse case na sina Pauleen Canada at Sylvia Cemañes.
Pero, nakapagpiyansa rin ang tatlong kasamang akusado sa korte ngayong hapon lang.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao