Kinilala ng World Food Programme ang masiglang partisipasyon at pakikipagtulungan ng bansa sa ‘digital food stamp program’.
Ayon kay World Food Programme Executive Director Cindy McCain, maituturing na modelo ang Pilipinas sa ibang bansa na maaari ding tularan ang pagpapatupad ng ‘digital food stamp program’.
Kaugnay nito ay tiniyak ni McCain kay Pangulong Marcos Jr. ang suportang patuloy na ipagkakaloob ng WFP sa bansa sa iba pang programa nito lalo’t may kinalaman sa panahon ng mga kalamidad.
Nagpaabot naman ng kaniyang pasasalamat ang Pangulo sa WFP dahil sa motibasyon nito para ipatupad ang unang ‘digital food stamp’ ng pagkain sa bansa.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos Jr. ang buong pakikiisa ng Pilipinas sa layunin ng World Food Programme. | ulat ni Alvin Baltazar