PBBM, binigyang-pagkilala ang pagsisikap ng mga militar sa pagsugpo ng mga karahasan sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisikap ng Western Mindanao Command, Joint Task Force, at 6th Infantry Division sa pagsugpo sa mga karahasan sa Mindanao.

Ibinihagi ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa isinagawang Awarding Ceremony at Talk to Troops sa 6th Infantry Division Headquarters, Camp Brigadier General Gonzalo Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Lunes, Abril 29.

Bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines, nalulugod ang Pangulo na makasama ang mga militar na nag-alay ng kanilang buhay para sa marangal na layuning pangkapayapaan at katatagan ng bansa.

Ayon pa sa Pangulo, mahigit isang daang milyong Pilipino ang naghahatid ng pagpupugay at pasasalamat sa mga militar na patuloy sa pagpapakita ng tunay na paglilingkod sa bayan. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us