Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nitong Lunes, Abril 29, ang pitong sundalong sugatan sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF – Karialan faction na kasalukuyang nagpapagaling sa 6th Infantry Division Headquarters, Camp Siongco Station Hospital, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nag-abot din ang Pangulo ng tulong pinansyal na naghahalagang ₱100,000.000 para bawat isa sa mga ito.
Matatandaang naganap ang naturang engkuwentro noong Abril 22, sa Barangay Kitango, bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur na kung saan kabilang sa na-nanutralisa ng mga militar ang lider mismo ng BIFF na si Mohiden Animbang alias Kariala. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan
📸RTVM