Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Vice President Sarah Z. Duterte hinggil sa pananahimik nito kung pag-uusapan ay isyu sa China.
Sa kapihan with media, sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para magsalita ang Bise Presidente.
Bagama’t bahagi aniya ang Pangalawang Pangulo ng gobyerno, inihayag ng Chief Executive, na hindi naman nito trabaho ang magsalita sa isyu.
Ang trabaho aniya ni VP Sarah ay Kalihim ng Edukasyon at bilang Bise Presidente ay hindi rin kabilang sa mandato nito na magsalita tungkol sa China.
At base aniya sa kanilang pag-uusap ng Vice President, trabaho lang ito ng trabaho kaya’t hindi rin aniya maituturing kung tutuusin na isang concern ang usapin.| ulat ni Alvin Baltazar