Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakamit ng Pilipinas ang 100 bilyong dolyar na pamumuhunan mula sa US at Japan sa susunod na 5-10 taon kasunod ng katatapos lamang na Trilateral Summit sa Washington, USA.
Sa kapihan with media sa Washington, inihayag ng Pangulo na tukoy na nila ang mga area at sektor kung saan maaaring ilagak ng mga negosyante ang kanilang puhunan.
Nangangahulugan aniya ito sabi ng Pangulo na hindi lang pangako o ideya ang gagawing pagmumuhunan ng US at Japanese businessmen gayong nakikita nila sa Pilipinas ang intensiyong maglagak talaga ng kanilang negosyo.
Pagbibigay-diin ng Pangulo, naisama na rin aniya ito sa kasunduan kaya’t mataas ang kanyang kumpiyansang matutupad ang 100-billion-US dollar investment projection na papasok sa bansa sa susunod na 5-10 taon at ito’y mararamdaman.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo kasunod na din ng ilang mga business meetings sa Washington kung saan nakapulong nito ang US ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce. | ulat ni Alvin Baltazar