Masusi ang preparasyong inilalatag ng pamahalaan sa tuwing may mga lider mula sa ibang bansa ang bumibisita sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, mula sa musikang maririnig ng isang bisita sa pagpasok sa Malacañang ay personalize gayung kilalang folk song sa bansa ng bisitang lider ang tinutugtog.
Maingat din aniya ang paghahanda sa mga pagkain sa mga bisita na naka-ayon sa kanilang dietary food requirement.
Kasama din ang pagbibigay ng regalo sa bahagi ng mainit na pagtanggap sa mga bisita na kung saan ay ipinagmalaki ng Pangulo na ito’y mga locally made at galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Hinahanap aniya talaga ito sabi ng Pangulo ng kanilang team na hindi basta-basta mabibili na dito ay naisasabay na ding maibida ang mga produktong gawa ng MSMEs. | ulat ni Alvin Baltazar