Pabalik na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng matagumpay na tatlong araw na official visit nito sa Washington, USA.
Sa Facebook post ng PCO, makikita sa larawan na nasa Joint Base Andrews Airport na ang Pangulo at paggayak na pabalik ng Manila.
Kaugnay nito’y sinabi ng Presidential Communications Office na naging produktibo ang mga dinaluhang engagement ng Chief Executive.
Kabilang na rito ang makasaysayang Trilateral Summit kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Nabuo sa trilateral meeting ang lalo pang paglakas ng relasyon ng Pilipinas, US at Japan. Bukod dito ay naging matagumpay din ang pakikipagpulong ng Pangulo sa malalaking business groups na kung saan, nasa 100 billion US dollars ang investment projection na pumasok sa bansa sa susunod na 5 hanggang 10 taon. | ulat ni Alvin Baltazar