Ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtawag sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “cry-baby” dahil sa umano’y pagkiling niya sa Estados Unidos.
Ayon sa Pangulo, wala siyang interes na sagutin ang patutsada ng dating Presidente.
Ang aniyay “ad hominem attacks” o personal na pag-atake ay hindi sana nangyayari sa ganitong mga pagkakataon lalo’t ang usapin ay nasa kategoryang high level.
Inihayag ni Pangulong Marcos na ay alam sana ng dating presidente bilang isang batikang abogado ang ganitong mga senaryo.
Dagdag ng Chief Executive na hindi niya rin itinuturing na political enemy ang dating pangulo kasunod ng pahayag nito na maaari silang maging political adversary kasunod ng suspension kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib. | ulat ni Alvin Baltazar