Sumailalim sa masusing pagsasanay ukol sa Freedom of Information (FOI) ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) na hatid ng Presidential Communications Office (PCO).
Sinasabing kasama sa naganap na pagsasanay ang mga bagong talagang FOI focal officers at non-officers mula sa iba’t ibang distrito at unit ng PCG upang mapalakas ang information transparency ng ahensya.
Sa nasabing pagsasanay din ay natutuhan ng PCG officers ang pag-navigate sa electronic FOI Portal na mahalaga para sa information transparency ng gobyerno at mabisang pagpapamahala ng mga information request.
Pagkatapos ng mahigpit na pagsasanay, sumailalim ang mga bagong FOI personnel ng PCG sa isang komprehensibong pagsusulit upang sukatin ang kanilang pag-unawa sa naganap na training.
Ayon sa FOI, ito ay bahagi ng commitment sa transparency ng pamahalaan na hindi lang papakinabangan ng mga Pilipino bagkus nagpapahusay din sa kalidad ng serbisyong ibinibigay nito. | ulat ni EJ Lazaro