Pinaalalahan ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ang publiko na maging mapanuri sa mga email at text message na kanilang natatanggap.
Kasunod ito ng mga kumakalat na email at text message na nagpapanggap na sila ay taga-PCSO at tumatanggap ng taya sa mga bettor.
Sa abiso ng PCSO, sinabi nitong walang opisyal o empleyado ng ahensya ang awtorisadong tumanggap ng taya para sa lotto games gamit ang pera-padala o iba pang payment platform.
Kaugnay nito, nagpaalala ang ahensya sa publiko na tumaya lamang sa mga PCSO Lotto outlet o gamitin ang PCSO E-Lotto web app.
Ito ay upang hindi maloko at makaiwas sa mga scammer. | ulat ni Diane Lear