PCSO, namahagi ng patient transport vehicles sa 50 munisipalidad sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ng patient transport vehicles sa iba’t ibang munisipalidad sa bansa.

Ayon sa PCSO, noong Marso nasa 50 na ang ambulansyang naipamahagi ng ahensya sa 50 mga lokal na pamahalaan.

Ito ay sa ilalim ng PTV Donation Program ng PCSO at sa dirketiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mabigyan ng tig-isang ambulansya ang bawat munisipalidad upang mas maging mabilis at ligtas na maihatid ang mga pasyente sa pinakamalapit na pagamutan.

Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang turn-over ceremony sa mga alkalde na ginanap sa punong tanggapan ng ahensya sa Mandaluyong City.

Nangako naman ang PCSO na gagawin lahat upang makapagbigay ng pangalawang ambulansya sa lahat ng bayan sa buong bansa sa susunod na taon. | ulat ni Diane Lear

Photos: PCSO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us