Magtutulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Coast Guard (PCG) para hadlangan ang pagpasok ng illegal drugs gamit ang mga baybaying dagat sa bansa.
Isang kasunduan ang nilagdaan nina PDEA Director General Moro Virgilio Lazo at Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ukol dito.
Sa ilalim ng kasunduan, palalakasin ng PDEA at PCG ang kanilang kooperasyon sa pagsugpo sa illegal drugs at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na ipinupuslit saan mang panig ng teritoryo ng bansa.
Ang PDEA ang bubuo ng komprehensibong plano para makakulekta ng mga impormasyon kaugnay sa illegal drug activities at manguna sa narcotics investigation at anti-drug operations.
Sa panig ng PCG, tutulong din ito sa pangungulekta at pagproseso ng mga impormasyon.
Makakasama na rin nito ang mga tauhan ng PDEA sa enforcement inspections sa mga sasakyang pandagat.| ulat ni Rey Ferrer