Pertussis outbreak, napigilan sana kung naresolba ang vaccine hesitancy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Iloilo Representative Janette Garin na malaki ang naging epekto ng vaccine hesitancy sa pagkakaroon ngayon ng pertussis outbreak sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Garin na dating nagsilbi bilang Health secretary, kung umaksyon lamang aniya ang dating liderato ng Department of Health para pigilan ang pagkalat ng maling impormasyon laban sa pagbabakuna ay napigilan ang outbreak ng pertussis.

Aniya, isang preventable disease ang pertussis dahil may available naman na bakuna.

Sabi pa ni Garin, na dahil sa hindi natugunan ang takot sa pagbabakuna ay nauwi ito sa confusion o pagkalito ng publiko kung magtitiwala ba sa bakuna o hindi.

Kaya ang resulta ay polio at measle outbreak sa bansa.

Babala pa ng Iloilo solon, kung hindi mapapataas ang vaccination rate para naman sa hepatitis B ay hindi malayo na magkaroon ng liver cancer outbreak pagdating ng 2042.

Sa ngayon, kailangan aniya magsagawa ng vaccine catch up upang kahit matamaan ang isang indibidwal ng pertussis ay hindi ito mauuwi sa pagkamatay.

Paalala naman ng mambabatas, na dapat gawing accessible ang bakuna kontra pertussis sa publiko.

Nasa ilalim na ng state of calamity ang Iloilo City at Cavite dahil sa pertussis outbreak. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us