Nakatakdang magkaroon ng trilateral partnership ang Pilipinas, Estados Unidos at Japan para sa Subic-Clark-Manila-Batangas Connector Infrastructure Project sa bansa.
Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang kanyang economic managers sa Trilateral Leaders Summit ng US, Japan at Pilipinas ay napag-usapan ang pagkakaroon ng interconnectivity infrastructure project sa Subic, Clark, Manila at Batangas sapagkat ito’y strategic na mga lugar para sa mabilis na kalakal sa Luzon.
Ito’y sa pamamagitan ng high-impact projects tulad ng pagpapalakas ng ports, rail, kabilang ang clean energy, semiconductors, supply chains, at iba pang interconnectivity projects.
Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng US$ 600 billion at target na maumpisahan sa 2027 sa tulong ng US at Japan.
Samantala, magiging magandang implikasyon ito lalo na sa ating ekonomiya at maglilikha ng mas maraming trabaho sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio