Nagtulungan ang Philippine Army at Philippine Air Force sa pagpapalakat ng “leaflets” sa kabundukan ng Barangay Galintuja, Maria Aurora at Barangay Lub-lub, sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.
Mahigit 1000 leaflets ang ikinalat ni Army Major Dondon Canilang, Civil-Military Operations Officer ng 703rd Infantry (Agila) Brigade, at Captain Candidato S. Paduman, Civil-Military Operations Officer ng 91st Infantry Battalion sa pamamagitan ng Black Hawk Helicopter ng Tactical Operations Group 3 ng Philippine Air Force.
Nakasulat sa mga leaflet ang paanyaya ng pamahalaan sa mga nalalabing miyembro ng teroristang komunista na magbalik-loob upang makapamuhay ng tahimik sa piling ng kanilang mga pamilya.
Binati ni 7th Infantry (Kaugnay) Division Commander Major General Andrew D. Costelo, ang tuloy tuloy na Civil-military operations ng mga tropa sa lugar para masiguro na hindi na makakabalik ang kilusang komunista sa mga lugar kung saan sila napalayas. | ulat ni Leo Sarne