Nananatili ang pag-asa ng bansa na mauuwi pa rin sa mapayapang solusyon ang hindi matapos-tapos na usapin sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng media delegation kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, sinabi nitong hopeful pa rin ang pamahalaan na maaayos ang usapin at hindi naman aniya nagkulang ang ating gobyerno na gumawa ng mapayang mga hakbang para ito ay maresolba.
Ang Presidente nga sabi ni Romualdez ay ginawa na din ang buong makakaya kasama ang ilang mga opisyal ng ating pamahalaan.
Naruong nagtungo pa sabi ng Ambassador ang Pangulo sa China sa layuning maayos na ang issue ng mapayapa.
Sa harap nito’y binigyang diin ni Romualdez na nangangailangang protektahan talaga ang ating teritoryo sa ngalan na din ng national interest. | ulat ni Alvin Baltazar