Inaasahang lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6% ngayon taon base sa pagtaya ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP).
Itinaas ng ESCAP ang kanilang naunang growth projection na nasa 5.7% GDP.
Ang pagtaya ng international organization ay pasok sa revised growth target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na nasa 6-7 percent para ngayong 2024.
Para sa taong 2025 ayon sa ESCAP.. inaasahang lalago ang ekonomiya ng 6.1 percent.
Sa kanilang inilabas na Economic and Social Survey of Asia and the Pacific report, inaasahang babagal ang paglago ng Asia Pacigic ng 4.4% ngayong taon particular sa East at Northeast Asia.
Habang stable naman ang growth trend sa Southeast Asia bunsod ng bumababang inflation at pagtaas ng household consumption. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes