Naglabas ng ilang paalala ang Philippine Embassy sa Israel para sa lahat ng Pilipinong naroon dahil sa patuloy na umiiral na sitwasyong pang-seguridad sa rehiyon.
Ayon sa advisory ng Embahada, pinaaalalahanan nito ang mga Pilipino na hangga’t maaari ay iwasan o ipagpaliban muna ang pagpunta sa mga lugar tulad sa Jerusalem, West Bank, mga lugar na malapit sa border ng Gaza at Lebanon, gayundin din sa area ng Golan ng Heights.
Pinaalalahanan din nito ang mga Pinoy sa Israel na maging maingat at mapagmatiyag sa mga panahon na ito at iwasan o mabilis na lisanin ang mga lugar na may kaguluhan o nagaganap na karahasan.
Dagdag pa ng Embahada, dapat ay maging maingat sa pagsakay sa mga pampublikong sasakayan sa panahong ito, huwag lumapit sa mga Israeli security forcese na nakapwesto sa mga sensitobong lugar, at sundin ang mga tagubilin ng Israeli Security Forces at ng Home Front Command.
Kasunod nito ay naglabas din ng abiso ang Philippine Embassy sa Israel ukol sa pagsuspinde ng Home Front Command ng mga klase sa paaralan sa susunod na 48 oras dahil sa mga ulat ng pag-atake sa kasalukuyan sa Israel.| ulat ni EJ Lazaro