Tinawag na unfair ng Philippine Reclamation Authority ang alok ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC) na P2.5 billion na pagbili sa shares ng pamahalaan sa Manila Cavite Expressway (CAVITEX).
Sa isang statement sinabi ng PRA na base sa kanilang pag-aaral na hindi makatarungan ang alok ng naturang kumpanya dahil ito’y unreasonable at maaring maharap sa ilang kritisismo ang natruang offer deal.
Dagdag pa ng PRA na maaring maharap sa legal ramifications ang pamahalaan at posibleng pamugaran ng isyu ng kurapsyon.
Samantala, patuloy naman ang kanilang pagre-review ng board of directors ng PRA upang mas mapanaig ang interes ng publiko sa naturang offer deal ng naturang kumpanya.| ulat ni AJ Ignacio