Naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng tsunami warning sa ilang coastal areas matapos tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan ngayong umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng tumama ang unang tsunami waves sa pagitan ng 8:33am-10:33am.
Dahil dito, hinikayat ng PHIVOLCS na agad na lumikas at magtungo sa matataas na lugar ang mga residente sa costal areas ng Batanes Group of Islands, Cagayan, Ilocos Norte, at Isabela.
Dapat ring ilayo ang mga bangkang nasa daungan at pinapayuhang manatili naman sa malalim na parte ng dagat ang mga pumalaot nang bangka hanggang magkaroon ng bagong update. | ulat ni Merry Ann Bastasa