Photo video na nilakipan ng boses na nais palabasing kay Pres. Marcos Jr. na nagpapahiwatig ng giyera sa isang bansa, produkto ng Deepfake at manipulado — PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Deepfake at manipulative ang video na gumaya sa tinig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tila nagbabadya ng pakikipagdigmaan sa isang bansa.

Sa inilabas na statement ng Presidential Communications Office (PCO) ay sinabi nitong walang anomang kautusan ang Chief Executive sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para giyerahin ang alinmang nasyon.

Kaugnay nito’y nakikipag-ugnayan na ang PCO sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Security Council (NSC), National Cyber Security Inter Agency Committee, at maging sa private sector stakeholders para tugunan ang pagkalat at malisyosong paggamit ng video at audio Deepfakes at iba pang generative AI content.

Hinikayat din ng PCO ang lahat na labanan ang fake news, misinformation, at disinformation kasabay ng panawagan na maging responsable at maingat sa mga ipino-post sa social media.

Ang Deepfake ay isang advanced na uri ng digital content manipulation sa pamamagitan ng generative AI na kung saan ay nagagawa nitong gayahin ang boses ng isang indibidwal. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us