Asahan na ang mas malawak na ugnayan ng Pilipinas at ng Czech Republic sa sektor ng agrikultura.
Kasunod ito ng matagumpay na pulong ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. kasama ang delegasyon ng Czech Republic sa pangunguna ni Agriculture Minister Marek Výborný na bumisita sa Pilipinas.
Bahagi ito ng positibong bunga ng nakaraang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union member country.
Lumagda ang dalawang partido sa Letter of Intent para sa pagpapaigting ng kolaborasyon ng dalawang bansa sa agricultural initiatives kabilang ang local farming technology.
Umaasa si Agri Sec. Tiu Laurel na sa tulong ng Czech Republic ay mapalago rin ang livestock at dairy production ng bansa.
Bukod naman dito, plano rin ng agri chief na mapalawak sa European Union ang market ng Pinoy agricultural products.
“We have some products ready for export so market access is also very important to us, especially the European Union which is one of the best markets in the world for our products.” | ulat ni Merry Ann Bastasa