Kasunod ng isinagawang trilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay ang paglulunsad ng connectivity project na magpapalakas sa ugnayan ng mga pangunahing local economic hubs sa Luzon.
Sa joint statement na inilabas ng tatlong lider, ito ay tinawag na Luzon Economic Corridor na kauna-unahang partnership para sa Global Infrastructure and Investment Corridor sa Indo-Pacific.
Sa ilalim ng nasabing proyekto ay maaasahan ang commitment ng Japan, Pilipinas at US na magsagawa ng investment sa mga high-impact infrastructure projects.
Kapapalooban ito ng rail at ports modernization project, clean energy and semiconductor supply chains and deployments, agribusiness at civilian port upgrades ng Subic Bay.
Ang paglulunsad ng proyekto ay ginawa kasabay ng partnership ng tatlong magkakaibigang bansa para sa pagpapalawak ng kooperasyon at pamumuhunan sa iba pang lugar ng Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar