Kagutom, sakit, kahirapan at kamangmangan ang ilan sa kinakaharap ng mga Pilipino na mga makabagong pagsubok na hindi ginagamitan ng dahas at armas.
Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
sa ika-503 taong anibersaryo ng tagumpay sa Mactan, sinabi nitong ito ang nilalabanan sa kasalukuyan ng pamahalaan na napagtatagumpayan naman.
Kailangan aniya dito ay pagkilos at pagkakaisa na magsisilbing kalasag sa mga problemang kinakaharap.
Sa pamamagitan aniya ng pagtatayo ng mga pagamutan ay nakukubkob ang mga sakit, habang sa pagtatayo ng mga paaralan ay nasasagip sa karukhaaan ang mga batang salat sa kaalaman.
Nalalabanan din aniya ang kahirapan sa ginagawang pagbibigay tulong sa mga magsasaka na noon pa man ay umaalipin na sa kanila.
Nagwawagi din aniya tayo sa kawalan ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagdami pa ng mga negosyong bumabangon sa bansa.| ulat ni Alvin Baltazar