Nai-secure ng mga economic manager ng Pilipinas ang pangako ng Pangulo ng Asian Development Bank (ADB) na si Masatsugu Asakawa ang pagsuporta nito sa mga development effort ng pamahalaan.
Sa isang high-level meeting na isinagawa sa Estados Unidos, pinangunahan ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang mga talakayan na naglalayong iayon ang mga new partnership strategies ng ADB sa mga prayoridad na programa at proyekto ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dito nangako ang ADB ng suporta para sa mga pangunahing suporta sa mga key areas tulad sa digitalization, human capital, infrastructure, at disaster preparedness.
Ibinahagi rin ni ADB President Asakawa ang commitment nito sa pagpapalakas pa ng partnership sa pagitan ng ADB at Pilipinas habang patungo ang bansa bilang isang upper-middle-income country.
Ginanap ang nasabing pulong sa isang sideline sa ginaganap ng World Bank Group-International Monetary Fund Spring Meeting sa Washington, D.C. na dinaluhan ng mga pangunahing personalidad kasama ang economic team ng bansa. | ulat ni EJ Lazaro