Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang “good move” ang plano ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama ang Japan sa Balikatan Exercise.
Ito ang inihayag ni Balikatan Executive Agent Col. Michael Logico sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ayon kay Logico, sa ngayon ay “observer” pa lang ang papel ng Japan sa Balikatan, kaya limitado lang aniya ang kanilang partisipasyon sa aktibidad.
Pero kasama aniya ang Japan sa kanilang “concept development” para sa mga susunod na taunang pagsasanay ng mga pwersa ng Pilipinas at Estados Unidos.
Pagkakataon kasi ito para matuto, at mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Japan, at magkaroon ng kaalaman sa kanilang doktrina.
Dagdag pa ni Logico, para sa 2025 ay mayroon na silang imbitasyon sa Japan para sa Balikatan. | ulat ni Leo Sarne