Pinangunahan ni Trade Sec. Alfredo Pascual ang Ecommerce Promotion Council o EPC kung saan tinalakay dito ang roadmap ng Pilipinas pagdating sa ecommerce mula ngayong taon hanggang 2028.
Ayon sa DTI ang naturang pagpupulong ay naglalayon na palawakin pa ang international presence ng mga produktong pilipino gayundin ang mga serbisyong hatid ng bansa.
Nakiisa sa naturang pulong ang mga opisyales ng ibat ibang ahensya ng pamahlaan kabilang na ang mga taga pribadong sektor kung saan nag mula pa ang mga ito sa ibat ibang industriya gaya ng digital platforms, e marketplaces, digital payments, at maging sa mga telecommunications companies.
Binubuo naman ang naturang roadmap ng inclusivity at innovation habang inuuna ang paglago ng mga key industries gaya ng tourism, creative, food, agri business, transportation and logistics. | ulat ni Lorenz Tanjoco