Umapela si Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na wag nang idamay ang kapulisan sa mga usaping politikal.
Ang panawagan ay ginawa ni Fajardo kasunod ng pag-udyok ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa AFP at PNP na talikuran na ang Administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng iringan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ni Fajardo na walang nakikitang dahilan ang PNP na bawiin ang suporta at katapatan ng kanilang hanay sa Pangulo.
Giit pa ni Fajardo, walang basehan ang naturang mga panawagan para alisan ng suporta ng kapulisan ang mga opisyal ng pamahalaan na iniluklok ng sang-ayon sa Konstitusyon.
Kaugnay nito ay muling nilinaw ng naturang opisyal na ang katapatan ng PNP ay nasa taumbayan at duly constituted authorities.| ulat ni Leo Sarne