Binigyang diin ni Philippine Red Cross (PRC) Chairperson at CEO Richard Gordon ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbakukuna.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gordon na dapat paigtingin ang impormasyon sa pagbabakuna laban sa mga sakit upang maproteksyunan ang publiko.
Marami pa rin kasi aniya ang ayaw magpabakuna dahil sa maling pananaw dito gaya na lamang umano ng karanasan sa Dengvaxia.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Gordon na paigtingin ang information drive sa kahalagahan ng pagbabakuna sa mga paaralan at iba pang sektor.
Ito ay upang maiwasan ang pagkasawi sa mga sakit tulad na lamang ng mga sanggol na karaniwang nahahawa sa sakit na pertussis o whooping cough.
Samantala, tiniyak ng PRC na patuloy ang mga programa nito sa pagbabakuna at ang kanilang Bakuna Bus ay nagtutungo sa malalayong lugar upang mailapit sa mga komunidad ang mga bakuna. | ulat ni Diane Lear