Ipinag-utos na ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa pamamagitan ng memorandum sa mga local DRRMC offices ang agarang paglilikas sa mga residenteng nakatira malapit sa mga baybayin kasunod ng banta ng tsunami dahil sa lindol sa Taiwan.
Sa natanggap na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa Cgaayan DRRMC, pinalilikas ang mga residente sa matataas na lugar at malayo sa baybayin upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Batay naman sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 1, patuloy na isinasagawa ang preemptive evacuation mula sa mga bayan ng Pagudpud at Currimao sa Ilocos Norte.
Pinapaalalahanan ng NDRRMC ang mga residente na nakatira malapit sa mga coastal areas na na maging alerto sa sitwasyon at huwag nang magpumilit na manatili sa mga low-lying areas o mabababang lugar. | ulat ni Leo Sarne