Bumaba pa ng ₱10 ang presyo ng karneng baboy sa Marikina Public Market, tatlong araw matapos ang Semana Santa.
Gayunman, sinabi ng mga nagtitinda ng baboy na bagaman magandang balita ito para sa mga konsyumer ay nananatili pa ring matumal ang bentahan nito.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱295 hanggang ₱315 ang presyo ng kada kilo ng kasim, habang naglalaro naman sa ₱300 hanggang ₱310 ang presyo sa kada kilo ng Liempo.
Bahagya namang tumaas ang presyo ng manok na nasa ₱155 hanggang ₱165 ang kada kilo para sa whole chicken habang nasa ₱170 hanggang ₱180 naman ang presyo sa kada kilo ng choice cut.
Ayon naman sa mga nagtitinda ng manok, apektado kasi ang suplay nito ng mainit na panahon na siyang dahilan naman ng pagtaas ng presyo. | ulat ni Jaymark Dagala