Nananatiling matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa Pasig City Mega Market bunsod na rin sa mataas na presyo nito.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nabatid na nasa P320 ang presyo ng kada kilo ng kasim habang nasa P380 ang kada kilo ng liempo.
Gaya sa Marikina Public Market, tila ito na ang prevailing price sa karne ng baboy dahil sa mataas na presyo ng feeds gayundin ng mga produktong petrolyo na nagreresulta sa mahal na bagsak nito sa mga palengke.
Nabatid na nagmumula sa mga lalawigan ng Batangas at Bulacan ang mga ibinabagsak na baboy dito.
Samantala, ang presyo naman ng Manok ay nasa P175-180 ang kada kilo habang nananatili ring mahal ang Baka na nasa P410 ang kada kilo.
Sa gulay naman, tumaas ang presyo ng Luya na nasa P160, mula sa dating P150; at bell pepper – P220, dating P200; habang bumaba naman ang patatas na nasa P90, mula sa dating P100 ang kada kilo.
Samantala, walang nagbago sa presyo ng Amplaya – P100/kg; Talong – P 80/kg; Bawang – P 140/kg; Sibuyas – P 80/kg; Kamatis – P 60/kg; Carrots – P 80/kg at ang Repolyo, Pechay Baguio gayundin ang Sayote – P 50/kg. | ulat ni Jaymark Dagala