Pinabulaanan ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng data leak sa National ID system.
Kasunod ito ng ilang kumakalat na impormasyon sa social media kaugnay ng umano’y massive hacking attack sa database ng National ID.
Ayon sa PSA, agad itong nagkasa ng imbestigasyon upang beripikahin ang impormasyon at lumabas sa inisyal na assessment na walang leak sa National ID database.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa aniya ang malawakang imbestigasyon ng PSA, gayundin ang pagpapaigting sa security measures sa kanilang sistema.
Muli rin nitong pinaalalahanan ang publiko na maging maingat sa mga impormasyong nababasa online. | ulat ni Merry Ann Bastasa