Apat na purple hydrants ang itinayo ng Manila Water sa Metro Manila.
Ito ay para tulungan ang Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) sa pangangailanan sa tubig sa mga lugar na may insidente ng sunog.
Ang purple hydrants ay itinayo para makuha ang wastewater na nililinis mula sa sewage treatment plants ng kumpanya para sa non-potable uses tulad ng pagsusuplay sa kailangang tubig ng BFP sa panahon ng fire emergencies.
Sa ngayon ang purple hydrants ay nailagay sa mga pasilidad ng Marikina North Sewage Treatment Plant (STP), Ilugin Sewage Treatment Plant sa Pasig at sa Poblacion Sewage Treatment Plant sa Makati, at ang dagdag na isa ay nasa UP Diliman campus na kumukuha ng treated wastewater mula sa UP STP.
Layon ng paglalagay ng purple hydrants na makatipid ang paggamit sa malinis na tubig lalo na ngayong tag-init.
Bukod dito, layon din nito na maisulong ang water efficiency sa pamamagitan ng water recycling. | ulat ni Diane Lear