Nagpasalamat si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa mataas na tiwalang nakuha mula sa publiko sa isinagawang 2025 Senatorial race survey ng Pulse Asia.
Sa naturang survey nanguna si Tulfo na may 51.7 percent na boto mula sa respondents.
“I am deeply grateful for the overwhelming support and trust expressed by the people in the recent Pulse Asia survey. It’s truly humbling to witness such a high level of confidence in my capacity to serve,” sabi ni Tulfo.
Gayunman, nananatili aniya siyang nakatuon sa paggampan ng kaniyang papel bilang kinatawan ng ACT-CIS party-list.
Aniya, makasisiguro ang mga sumusuporta sa kaniya na patuloy siyang magtatrabaho sa kaniyang kapasidad bilang kongresista.
“My commitment to advocating for the interests and well-being of the Filipino people remains unwavering through my work in the House of Representatives. I assure you that I will continue to dedicate myself tirelessly to addressing the critical issues facing our nation and upholding the principles of good governance and public service,” saad pa ng kinatawan.
Ginawa ang naturang survey noong March 6 hanggang 10.
Tinanong sa 1,200 na respondents kung sino ang kanilang iboboto sa pagka senador kung ngayong gagawin ang eleksyon.| ulat ni Kathleen Forbes