Kinalampag ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan ang kaniyang mga kapwa mambabatas para sa mabilis na pagtalakay at pag apruba ng mga panukala para protektahan ang digital infrastructure ng bansa mula sa mga cyberattacks.
Kasunod ito ng inilabas na executive order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang National Cybersecurity Plan (NCSP).
Pinuri din ni Yamsuan ang napaulat na pagpapalakas ng Pilipinas, Japan, at U.S. sa joint cyberdefense framework sa gagawing trilateral summit ng tatlong lider ng naturang mga bansa sa April 11.
“The National Cybersecurity Plan adopted by the President, complemented by strengthening multilateral ties with our allies and passing pending bills in Congress that aim to transport our country safety into the digital era will help fortify our defenses against increasing cyberthreats and other intrusions,” sabi ni Yamsuan.
Isa sa iniakdang panukala ni Yamsuan ang House Bill 8199 na magsisilbing panimula ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang epektibong maipatupad ang NCSP.
Inilalatag ng NCSP ang whole-of-nation roadmap para palakasin ang seguridad at katatagan ng cybersecurity ng cyberspace ng bansa habang ang HB 8199 naman ay nagtatakda ng security measures ng mga critical information infrastructure (CII) institutions para protektahan ang digital assets mula sa mga banta at pag atake.
Halimbawa nito ang bangko at financial institutions; emergency services at response agencies; broadcast media; industriya ng kalusugan, enerhiya, telecommunications, transportation, tubig at iba pa.
Itatalaga naman ang National Computer Emergency Response Team (NCERT) bilang centralized reporting mechanism para sa information security incidents.
“This measure complements the NCSP and is a good jump-off point in accomplishing one of the Plan’s primary objectives, which is to ensure convergence among all government agencies in protecting our country from cyberattacks,” giit ni Yamsuan.
Umaasa din ang mambabatas na maging ganap na batas ang iba pang panukala gaya ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA); Financial Literary and Fraud Prevention for Workers bill; at pagturing bilang economic sabotage sa phishing at online fraud.
“The early passage of these bills and other similar measures pending in both the House (of Representatives) and the Senate will help make the country’s digital space safe for every Filipino,” sabi ng mambabatas.| ulat ni Kathleen Forbes