Resulta ng 3 buwan na extension at diyalogo ukol sa PUV modernization, nais malaman ni Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais malaman ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe kung gaano naging produktibo ang tatlong buwan na extension sa PUV franchise consolidation.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala nang magiging extension matapos ang April 30 deadline.

Ayon kay Poe, kinikilala naman niya ang April 30 deadline para sa PUV consolidation.

Gayunpaman, mahalaga aniyang naging produktibo ang ginawang extension at nagkaroon ng pakikipagdiyalogo sa pagitan ng LTFRB at ng transport groups.

Pinatitiyak ng senator kung nagkaroon rin ng hakbang para maalok ng sapat na tulong ang mga driver at operator sa franchise consolidation, at sa PUV modernization.

Idinagdag rin ni Poe, na dapat nasagot rin ang agam-agam ng mga driver at operator tungkol sa loans at iba pang financial aspect ng programa.

Umaasa ang mambabatas, na ilalabas na rin ng LTFRB ang listahan ng mga ruta bago ang deadline, mayroon o wala mang consolidated jeepneys.

Hindi aniya dapat hayaan na maghabol at maghanap ng masasakyan ang mga commuter sa gitna ng napakainit na panahon.

Hangad din ni Poe, na magpalabas na ng desisyon ang Korte Suprema sa inihaing apela o petisyon ng transport groups para maliwanagan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, sa tamang hakbang para sa PUV modernization program. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us