Binigyan-diin ni Finance Secretary Ralph Recto na ang patuloy na pagbuti ng job market at kalidad ng trabaho para sa mga Pilipino ay hudyat tungo sa pagkamit ng single digit poverty rate sa taong 2028.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng February Labor Force Survey kung saan bumaba sa 3.5 percent mula 4.8 percent ang unemployment rate sa bansa.
Ayon sa kalihim, ang resulta ay matibay na senyales ng commitment ng gobierno na ipagkaloob ang “better quality jobs” sa mga Pilipino.
Diin ng DoF chief, positibo siya na kayang makamit ng Pilipinas ang hangarin na mabawasan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng binubuksang opportunidad sa mamayan.
Sa inilabas na survey ng Philippine Statistice Authority, nasa 49 million ang may trabaho nuong Pebrero mas mataas sa 48.8 million sa parehas na buwan nuong 2023 kaya umakyat sa 96.5% ang employment rate. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes