Binahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magkakaroon pa ang Senado ng tatlong pagdinig sa labas ng Metro manila bago magdesisyon ang Senate Subcommittee on Constitutional Amendment kung tatapusin na ang mga pagdinig tungkol sa panukalang economic charter change (Cha-cha).
Ayon kay Zubiri, kinokonsidera rin nila ang resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing mayorya sa mga Pilipino ang hindi pa pabor na amyendahan ang Saligang Batas ngayon.
Giit ng Senate President, mapagkakatiwalaan naman ang mga survey na ginagawa ng Pulse Asia kaya hindi ito dapat balewalain.
Kaya naman para kay Zubiri, hindi dapat madaliin ang usaping ito at dapat pag aralang mabuti.
Kaya naman ang plano ng Senado, magsagawa pa ng public hearing sa Baguio, Cebu at Cagayan de Oro (CDO).
Aniya, kailangan malaman ng bayan kung ano ang magandang amyenda sa konstitusyon
Muli ring giniit ni Zubiri na hindi kasama sa tatakayin nila ang panukalang amyenda sa political provision ng Konstitusyon.| ulat ni Nimfa Asuncion