Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan na bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news sa bayang motorista dahil may rollback sa lahat ng produktong petrolyo! 

Base sa taya ng nga taga-industriya ng langis, maglalaro ang roll back ng diesel sa ₱0.40 to ₱0.60 centavos kada litro.

Habang sa gasolina naman tinatayang nasa ₱0.20 hanggang ₱0.40 centavos kada litro.  At sa kerosene naman ay inaasahang magkakaron ng rollback na aabot sa ₱0.70 hanggang ₱0.90 centavos kada litro. 

Ayon sa Department of Energy (DOE) may kinalaman pa rin ang bahagyang paghupa ng kaguluhan sa Middle East sa paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado. 

Naka-apekto din ang dumaraming imbentaryo ng langis ng Estados Unidos.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us