Pormal na binuksan ang SALAKNIB 2024 military exercise sa pagitan ng Philippine Army at U.S. Army Pacific (USARPAC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.
Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, ang Salaknib Phase 1, na magtatapos sa April 21, ay nilalahukan ng mahigit 3-libong Pilipino at Amerikanong sundalo.
Kabilang dito ang 1,800 na tauhan mula sa 5th at 7th Infantry Divisions ng Philippine Army, mga Specialty Enabler units, at 1,700 na mga sundalo mula sa 3rd Infantry Brigade Combat Team ng 25th Infantry Division ng USARPAC.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang interoperability sa pagitan ng dalawang pwersa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa iba’t-ibang uri ng operasyong militar.
Ang Phase II ng pagsasanay ay nakatakda namang ilunsad sa ikatlong kwarter ng taon. | ulat ni Leo Sarne
Photos by Pvt Divino S. Lozano PA/ OACPA