Hawak na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga grupo na sangkot sa talamak na cyber crime sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagpapaigting ng PNP sa Anti-Cyber Crime Operations.
Sinabi ni Cruz, nasa kabuuang 402 mga scamming hubs ang nasa ilalim ng pagmamatyag ng PNP.
Nitong March 13, nang salakayin ng PAOCC ang Sun Yuan Technology Inc., isang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO Hub sa Bamban, Tarlac.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa kung mayroong pananagutan ang alkalde ng munisipalidad ng Bamban kung saan matatagpuan ang ni-raid na POGO.
Kabilang aniya sa mga nasabing scamming hubs ay matatagpuan sa Region 3, Region 4, National Capital Region, Visayas, at Mindanao. | ulat ni Rey Ferrer